|
||||
110. Anong kaloob kaya nitong nagagapos Ngayong nasa harap ng dalawang hayop Na ang balang ngipi�t kuko�y naghahandog Isang kamatayang kakila-kilabot! 111. Di ko na masabi�t luha ko�y nanatak Nauumid yaring dilang nangungusap Puso�y nanlalambot sa malaking habag Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap. 112. Sinong di mahapis na may karamdaman Sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay Lipos ng pighati saka tinutunghan Sa laman at buto niya ang hihimay. 113. Katiwala na nga itong tigib sakit Na ang buhay niya�y tuntong na sa guhit Nilagnat ang puso�t nasira ang boses Di na mawatasan halos itong hibik. 114. �Paalam Albanyang pinamamayanan Ng kasamaa�t lupit, bangis, kaliluhan Akong tanggulan mo�y kusa mang pinatay Sa iyo�y malaki ang panghihinayang. 115. �Sa loob mo nawa�y huwag mamilantik Ang panirang talim ng katalong kalis Magkaespada kang para ng binitbit Niring kinuta mong kanang matangkilik. 116. �Kinasuklaman mo ang ipinangakong Sa iyo�y gugulin niniyak kong dugo At inibig mo pang hayop ang magbubo Sa kung itanggol ka�y maubos ang tumulo. 117. �Pagkabata ko na�y walang inadhika Kundi paglilingkod sa iyo�t kalinga Di makailan kang babal-ing masira Ang mga kamay ko�y siyang tumimawa. 118. �Dustang kamatayan ang bihis mong bayad Datapwa�t sa iyo�y nagpapasalamat Kung pakamahali�t huwg ipahamak Ang tinatangisang giliw na nagsukab 119. �Yaong aking Laurang hindi mapapaknit Ng kamatayan man sa tapat kong dibdib Paalam bayan ko paalam na ibig Magdarayang sintang di manaw sa isip. 120. �Bayang walang loob, sintang alibugha Adolfong malupit, Laurang magdaraya Magdiwang na ngayo�t manulos sa tuwa At masusunod na sa akin ang nasa. 121. �Nasa harap ko na ang lalong marawal Mabangis na lubhang lahing kamatayan Malulubos na nga ang iyong kasam-an Gayon din ang aking kaalipustaan. 122. �Sa abang-aba ko! Diyata, O Laura Mamatay ako�y hindi mo na sinta Ito ang mapait sa lahat ng dusa Sa akin ay sinong mag-aalaala? 123. �Diyata�t ang aking pagkapanganyaya Di mo tatapunan ng katulong luha! Kung yaring buhay ko�y mahimbing sa wala Di babahaginan ng munting gunita? 124. �Guni-guning ito�y lubhang makamndag Agos na, luha ko�t puso�y maaagnas Tulo, kaluluwa�t sa mata�y pumulas Kayo, aking dugo�y mag-unahang matak. 125. �Nang matumbasan ko ng luha ang sakit Nitong pagkalimot ng tunay kong ibig Huwag yaring buhay ang siyang itangis Kundi ang pagsintang lubos na naamis.�
Nang Makita ni Florante ang dalawang hayop ay noon noya nasabi sa sariling katapusan nan g kanyang buhay kaya�t tuluyan nang nagpaalam sa pinakamamahal na baying Albanya. Nanambitan at tinawag din ni Florante ang kanyang mahal na ama at humihingi ng awa sa gitna ng kanyang pagaalala sa masasayang nagdaan ng kanilang buhay. Nagpaalam siya sa kasintahan si Laura na pinaniniwalaan niyang nagtaksil sa kanilang pag-ibig, nagpaalam din siya sa malupit na si Konde Adolfo na umagaw ng trono at sa puso ng babaing pinakaiibig. Higit sa lahat ay nagpaalam siya sa baying kanyang ipinagtanggol sa digmaan na ngayon ay magdiriwang dahil sa kanyang sinapit. Ngunit sa kabila ng lahat ng kanyang pagdaramdam ay namumutawi pa rink ay Florante ang labis na pag-ibig kay Laura at sa kanyang baying tinubuan. |